Chapter 57: Outrageous.
Nagtatagis ang bagang ni Lucien na iniwas ang tingin kay Vladimyr. Pinilit niyang ayusin ang itsura para di mapansin ni Vladimyr ang tunay na nasa isipan niya. "Baby...I love you so much..." He sweetly said.
"Ang cheesy mo, Luvien.."
"Yeah...but I want you to know how much you mean to me...that right now, you are my universe. Not just my world. The world won't exist if there is no Universe. And I won't exist if there's no you in my life, now. You are the colors and I am the rainbow. Without you, I'm not complete."
"Epekto ba ng ice cream yan?"
He laughed. "No. Epekto ng charm mo nalaglag ang puso ko."
"Don't worry...matagal ko nang sinalo." She grins.
Nagulat si Lucien sa sinabi ni Vladimyr kaya bigla siyang napa-ayos ng upo at tinitigan ito sa mga mata.
"W-what do you mean?"
"I mean...sinalo ko na... I already catch you."
"Y-you mean...you love me too?"
Naguluhan si Lucien sa pag iling ni Vladimyr habang nakangiti ito. Bago sumagot.
"Please tell me, baby.."
"Ang gwapo mo pero ang slow mo."she chuckled. "I love you, Mr. Ezquillon! Happy ka na?"
F*ck?
Hindi makapaniwala si Lucien na naririnig niya ang mga salitang iyon mula kay Vladimyr. Kahit pilit sinasaksak ng isip niyang di yon talaga para sa kanya. Inisang-tabi na lang muna niya ang katotohanang iyon dahil masyado siyang masaya. 'Finally! She's mine!
Gusto niyang sumigaw sa sobrang tuwa na parang mababaliw na. But he kept his posture and just looked straight to the eyes of the woman he deeply loved.
He gently holds her chin and tilts her head to kiss her but...
"Sa dami ba naman ng mga basurang nakikita ko yung pinaka nakakasuka pa talaga ang makakasalubong ko."
Napaiwas ng tingin si Vladimyr dahil sa sinabi ni Lucien. Pakiramdam niya biglang nag-init ang pisngi niya sa tinuran nito at di siya sanay sa mga ganitong pakiramdam. Lahat bago para sa kanya ang mga pinaggagagawa nito. Kung ilang ulit siyang napamura dahil sa lakas ng tibok ng puso niya at parang nahulas yata ang lahat ng tapang na meron siya sa katawan. Sa pagkakataong ito, nanlambot ang tuhod niya habang pilit kinakalma ang sarili. Pasimple niyang hinimas ang dibdib niya na para bang may magagawa iyon para kumalma ang puso niya sa pagwawala nito.
'Pusang ina...'
Sinubukan ni Vladimyr na huminga ng malalim nang paulit-ulit para lang pwersahang kumalma. Pero bumanat na naman ng nakakalokong salita si 'Luvien' na lalong nagpabilis sa tibok ng puso niya.
Kagat labing umirap si Vladimyr sabay buga ng hangin na para bang doon niya lang kayang kumuha ng buwelo para makatagal sa mga banat ni 'Luvien' sa kanya. Lihim na nahigit ni Vladimyr ang paghinga nang maramdaman niyang bahagyang gumalaw ang upuan at naramdaman ang init at lambot ng mga daliring lumapat sa kanyang baba at maingat nitong iniharap ang mukha niya dito. Naamoy ni Vladimyr ang mabangong hininga ni Luvien nang magsalita ito na tumama sa mukha niya ang mainit nitong hininga.
"Baby...."
Hindi na nakatutol si Vladimyr nang ilapit ni Luvien ang mukha nito, ilang sentimetro na lang ang pagitan at maglalapat na ang labi nilang dalawa- habang tumatagal na ginagawa ito ng lalaki lalo siyang nakakaramdam ng pananabik at pagka-inip. Kaunting espasyo na lang ang pagitan ng labi nilang dalawa mang matigilan sila dahil sa bigla nalang may nagsalita kaya napatingin sila dito at inis na napamura. Istorbo. Gazali...
"Ang mga basura talaga walang kahihiyan. Kahit saan nalang nagkakalat ng lagim nila...right sisters?" "Yeah. Right."
Tumaas ang kilay ni Vladimyr pagkarinig ng mga salitang iyon mula sa pamilyar na boses ng babae na kararating lang at may kasama pang dalawang alipores na tila galing din sa upper class base sa pananamit nitong masasabing mamahalin din.
Tangkang magsasalita ni Vladimyr para sumagot pero natigilan siya nang tumayo si Luvien at matalim na pinukulan ng tingin ang mga ito. Napanganga siya dahil sa biglaang pagbabago ng aura nitong mula sa mainit at puno ng pagmamahal hanggang sa malamig at nakakakilabot na para bang isang halimaw na bumangon mula sa kailaliman ng lupa.
I can't blame him if he's mad...this bitch just ruined our supposed to be romantic kiss...
Her inner self chuckles as she watches how pissed 'Luvien' is.
"Watch your words, Miss. What are you talking about?" Awat ni Luvien sa mga ito habang deretsang nakatingin sa babaeng nagsalita.
"Hmm, mukhang may nagoyo ka na namang bagong lalaki sa buhay mo, Vladimyr." wika pa nito na may pang-uuyam sa tono.
Tumayo si Vladimyr at walang ganang humalukipkip habang pinagmamasdan ang asawa ni Ethan gumawa ng eksena na parang yung sa drama. Yung tipong susubukang ipahiya ng kaaway ng bida ang bida tapos may iiyak? Napatango-tango si Vladimyr dahil sa isiping iyon. Dahil sa ginagawa ni Gazali, mukha na siyang protagonist sa drama kaya hinayaan niya lang kung hanggang saan ito magma maldita. "Tama ba?"
Naguguluhang napatingin si 'Luvien' kay Vladimyr na nagkibit-balikat lang bilang tugon.
"Oh well. Mabuti nga yan at maghanap ka na nga lang ng ibang lalaking lalandiin mo hindi yung nananahimik na asawa ko ang kinakalantari mo, diba?" Dagdag pa nito sa mas mapang- uyam na tinig.
Dahil sa tinuran ni Gazali, napahinto ang ibang naglalakad at pinagtitinginan sila ng mga ito na para bamg may nagaganap na shooting sa isang drama. May ibang kumuha pa ng cellphone para i-video ang pangyayari kaya hinayaan niya pa si Gazali na magpasikat bago niya ilalagapak sa lupa.
"You know what, Miss, stop making a scene. Can't you see we're having our moments here and you just barge in ruining our time with your nonsense quips." Luvien intervened, trying to keep his anger. "Can't you just act decent?" "Decent? I am more decent than that woman you are trying to defend? heh! Nakakaawa ka mister...wala kang kaalam-alam kung anong klaseng babae yang sinasamahan mo?"
"You think I care?" Luvien said coldly.
Natatawa na napailing si Vladimyr nang biglang matahimik si Gazali dahil sa sinabi ni Luvien. Mukhang nasupalpal ni Luvien ang asawa ni Ethan gamit lang ang simpleng salitang iyon. But, she can't believe he will try to defend her though, she can do it by herself. That she can turn the table against Gazali if she likes.