Chapter 56: Say it Again!
"What do you like to eat, Baby?"
Hawak ni Lucien ang kamay ni Vladimyr habang naglalakad sa malawak na lobby ng isa din sa kilalang Shopping Mall ng S City.
Marami din itong mga store tulad sa ECC ni Vlad mas malaki at mas sikat nga lang iyon kesa sa pinuntahan nilang mall. "I'm craving for ice cream, kain muna tayo?"
Napangiti si Lucien dahil sa malambing na tono ni Vladimyr. Ibang-iba sa mga nakakaraang Vladimyr na nakakausap niya. Yung tono niya kapag nagsalita ay laging pautos at parang wala kang magagawa kundi ang sumunod. Lumapit sa siya kay Vlad saka ito banayad na hinalikan sa ulo bago sumagot.
"Alright. Let's find an ice cream store."
Maingat na hinila ni Lucien si Vladimyr habang tinatahak ang direction sa escalator papunta sa ikalawang palapag. Doon kase nakalagay ang food court na mall pero may mga restaurant naman para sa mga gusto ng close dining. Pagbungad nila sa 2nd floor mg mall, namataan agad ni Lucien ang isang ice cream stall pero hindi niya iyon pinansin. Umikot pa ang paningin niya para maghanap ng mas decent icecream store na close para mas safe sa unwanted dust na pwedeng mapunta sa kinakain. Pero di pa man sila nakaka hakbang paalis ng escalator, nagmamadali na siyang hinila ni Vladimyr papunta sa namataang stall ng ice cream habang nakangiti ng matamis sa kanya. "Ayun baby! May nakita na ko!"
Sabay turo niyo sa hilera ng mga icecream stall sa gilid ng malawak na lobby. Ngunit di iyon ang nakapagpatigil sa kanya kundi ang ikalawang salita na binigkas nito na siyang nagpalakas lalo ng tibok ng puso niya. 'Did she just...say it?'
His inner self couldn't believe it and it felt really fantastic!
"Hey okay ka lang?" Nagtatakang nilingon siya ni Vladimyr habang nakatingin sa mukha niya.
"What did you say?" Muling tanong ni Lucien. Hindi sa nabibingi siya kundi gusto niyang marinig ulit ang turan nito sa kaniya kanina lang.
"Ang sabi ko may icecream doon!"
"N-no! The second words you said?"
"Ahm...." Biglang ngumisi si Vladimyr sa kaniya saka tumalikod.
"H-hey! Where are you going?"
"Gonna buy my ice cream..."
"I told you I'll buy you one!"
"Ang bagal mo naman kumilos."
"I will! Just please say that word again!"
"Anong salita ba?"
"The second word you said a moment ago?"
"Jeez ang dami ko nang nasabi. Alin ba dun?"
"The word I used to call you."
"Ah! Yung nagsisimula sa letter b?"
"Yeah that's right!"
"Babae?"
"No!"
"Eh iyon lang naman lagi mong tawag sakin bukod sa 'woman'!"
Napabuntong hininga nalang si Lucien. Ayaw na lang niyang makipag talo dito dahil siguradong di siya mananalo. At naisip din niyang baka one of these days tatawagin rin siya nito katulad ng tawag niya dito.
Hinawakan niya muli ang kamay ni Vladimyr saka inalalayan papunta sa stall. Kahit disappointed siya na kuling marinig ang tawagin siya nitong muli ng 'Baby' ayaw naman niyang masira ang araw na iyon dahil sa pang-aasar ni Vladimyr sa kaniya.
He is happy to be with her, that's the most important thing right now to ruin a magnificent day like this.
Paglapit nila sa stall, agad na pumili ng malaking cup ng icecream si Vladimyr at lahat yata ng flavor pinalagay nito doon hanggang sa mapuno. Nagpadagdag pa ito ng sprinkles na may nips, mallows, chocolate chips at wafer sticks. Kumuha lang si Lucien ng medium size ng cup at rocky road lang ang pinili niya. Bago naghanap ng bakanteng mesa at naupo.
Hindi pinansin si Lucien ang mga matang hindi maiwasang mapatingin sa kanila at mga bulungan ng mga kababaihan na mapapatigil para lang pagmasdan siya. Walang pakialam si Lucien sa mga taong ito dahil ang buong atensiyon niya ay nakay Vladimyr na walang tigil sa pagsubo ng ice cream at mapapangiwi kapag nabi-brain freeze.
"Careful baby, mukhang nagustuhan mo ang flavor na yan ah..." He laughed.
"Hmm? Ewan ko ba." Anito sabay subo ulit. "Di ko rin maintindihan kung bakit parang feeling ko lagi akong nagugutom..."
"Maybe your body just reacting from fatigue and wanting for more energy kaya magana ka ngayon..." He said.
"I don't know." She shrugged gently. "Maybe..."
Nakita ni Lucien ang pagtulo ng melted Icecream sa gilid ng labi ni Vladimyr. Agad siyang kumuha ng tissue at maingat na pinunasan yon.
"Para ka nang bata kumain..." He said after cleaning her lips. "I felt bad for this tissue..." He sighs desperately.
"Bakit. Anong meron sa tissue?" Kunot noo nitong tanong sa kaniya.
Muli siyang napabuntong hininga saka tingin kay Vladimyr bago walang ganang sumagot. "I should've clean that ice cream drips with my lips-"
"G*go." Usal nito sabay iwas ng tingin habang namumula ang mukha.
Lihim na natawa si Lucien habang pinagmamasdan si Vladimyr. Hindi nito magawang lingunin siya dahil pinipilit iniiwas na makita niya ang pamumula ng pisngi nito.
Gusto pa sana niya itong asarin bilang ganti sa ginawa nitong pang-aasar sa kaniya kanina. Natatakot na naman siyang baka mawalan ito ng gana na makasama siya. Bagay na hinding-hindi niya nanaisin mangyari. "Baby look at me..." He teases gently.
"Tigilan mo nga ako Luvien..."
"Kapag di ka lumingon hahalikan talaga kita dito."
Ngumisi siya at nag-aabang kung ano ang gagawin pero hindi niya inaasahan na di siya nito lilingunin. Kaya agad siyang tumayo para halikan ito.
"Baby...sana akin ka nalang talaga."
"Ano bang sinasabi mo?"
"I wish you were really mine..."
"Ang corny mo Luvien, sa'yo naman talaga ako una palang..."
He should be smiling and ecstatic by hearing those words form her, but, those words turn out like a thorn of a rose that is so beautiful but painful at the same time.
Pilit na ngumiti si Lucien para itago ang kirot sa puso niya at ang konsensya na umuusig sa kanya habang nakatingin sa kagandahan ng babaeng 'dapat niyang kamuhian' pero heto at sagad na hanggang talampakan ang pagmamahal niya dito.
'You never know how much I am scared right now, thinking of the moment when you found out that I'm a fake...that I'm not your beloved Luvien.. that I'm just a trickster, but I hope that you feel my love for you is real. That I really love you so much.."
He said in her mind while looking at Vladimyr, who is now looking at him as well.
'I love you so much. To the point na titiisin ko ang realidad na kaya ka lang narito sa tabi ko, dahil sa pag-aakalang ako ang pinakamamahal mong si Luvien. Na kakambal ko.'
'I wished that everything between us went well. That the secret I am hiding will stays secret. Kahit masaktan ako sa katotohanan. Basta makasama lang kita. Iyon lang ang mahalaga sakin. Alam kong selfish ako...kung alam mo lang ang dahilan ko kung bakit ako lumalapit sayo noon, baby. Pero ngayon binago mo lahat. Binago mo ang isip at puso ko. Sana mapatawad mo ako pag dumating ang oras na malaman mo kung sino talaga ako. Sana..."