The Crazy Rich Madame

Chapter 53; Couldn't trust him.



May ilang buwan na rin ang nakalipas nang ipakulong ni Vladimyr ang mag-asawang Sevilla. Dahil sa mga pagtatangka nito sa buhay ng mga taong pinahahalagahan niya.

Ayon sa imbestigasyon ni Gen. Ethan Smith, may binabanggit ang mag-asawa na Boss daw ng mga ito na mas malakas kesa kay Vladimyr. At malapit na daw itong dumating para maningil at pabagsakin si Vlad. Pero tuwing sinusubukan nilang pigain ang mag-asawa, nananatiling tikom ang mga bibig ng mga ito sa iba pang impormasyon na kailangan nila. Maliban sa paulit-ulit nitong sinasabi na, 'malapit nang dumating ang mga taong magpapabagsak kay Vlad.'

Tila ba mas nanaisin ng mag-asawang Sevilla na mamatay na lang o mabulok sa kulungan kesa ilantad ang impormasyon tungkol sa mga taong nasa likod nila para gumawa ng masama sa kanya. Ayaw man itong seryosohin ni Vladimyr, pero ang tatlong taong kasangga niya sa lahat ng problema ay di na mapakali.

"You have to be cautious, Vladimyr. You don't know when your enemies will strike."

Si Ethan, mula sa kabilang linya. Bakas sa tono ng pananalita nito ang pag-aalala para sa kaligtasan niya. And she understand it. Mabuting magkaibigan na sila ni Ethan kaya ganun na lang din ang concern nito para sa kanya. Ganun din sina Noah at Leon na panay ang tawag para kamustahin siya at mag-report ng mga natutuklasan nila sa imbestigasyon ng mysterious enemy niya. Dahil kahit ang mga ito, ay hindi naniniwalang si Luvien ang nasa likod ng mga assault. It's either may gumagamit ng pangalan niya para gawin yon.

Pero ang rason, di pa nila mahulaan. Marami siyang kalaban, Oo. Hindi nga lang niya matukoy dahil ang karamihan dito, takot lumantad at siniguro ni Ethan at Noah na wala sa mga ito ang taong nasa likod ng mga assault sa kaniya maliban sa mga kapatid ni Donya Luz. Wala na silang ibang maisip na may lakas ng loob.

"I am cautious, Ethan." She said plainly with confidence. "Wala lang talaga sa bokabularyo ko ang magpaka tagu-tago sa lungga ko para lang maging ligtas. Hindi tulad ng ibang boss diyan na parang mga asong bahag ang buntot na nagtatago sa likod ng mga tauhan. Iba ako sa kanila."

Dinig niyang bumuntong hininga si Ethan sa kabilang linya at saglit na natahimik.

"Okay. I know...and I believe you." He paused for a moment. Vladimyr felt like Ethan was thinking deep. She can even imagine what his serious face would be like when thinking and worrying at the same time.

"Well, it seems like you're placing yourself on the hook as the bait for those fish..." He said.

"Not a very good fish but a big janitor fish who is quietly sucking dirt on the sea..." She started to laugh. "You are really crazy, Vlad...turning a serious conversation into a funny one but still never leaving the topic..." Vladimyr laughed sarcastically and said. "You have nothing to do with it Ethan, it's in my blood...get used to it." "I've been used to it since I met you, Vladimyr. You don't need to remind me about that..." She heard him chuckling. "Alright. Inform me if there is something new about this investigation, Ethan..."

"I will, Vlad. Don't worry." He said. "I'm won't let anything worst happen to you again."

"Good."

She turns off the call after the conversation with Ethan.

It was a cold morning, medyo umaambon pa sa labas at malamig din ang hangin. Makulimlim ang langit at balita sa TV ang bagyo sa ilang probinsya at rehiyon. Tila ba nakikisabay ang panahon sa kaguluhan ng isip niya ng araw na iyon. Pero dahil ayaw niyang magpakabaliw sa kaiisip ng mga problema, inisang tabi na lang muna niya ito at nag-focus sa ginagawa. She believes in Ethan's words. Marami na silang problemang pinagdaanan kaya alam niyang di siya nito iiwan.

Kinuha ni Vladimyr ang blue na folder na may mga proposal plans and possible investors sa ECC. Naupo si Vladimyr sa swivel chair at isa-isa iyong binuklat para suriin mabuti ang mga detalye.

Mahirap nang mautakan ng mga tuso kaya kailangan din maging mas tuso.

Aniya sa sa isip habang binabasa ang unang dokumentong dinampot niya. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa pag-aakalang si Jillian iyon, agad niya itong sinita nag di nag-aangat ng tingin.

"I told you Jill, I said I don't wanna be disturbed while working right?" She said then flip the page of the document. Without looking who just came-in.

"So, sorry to disturb you Honey, I brought something for you." A male voice answered that made her lift her gaze only to see the man holding a paper bag of pastries and a large size of milk tea.

"Luvien, anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya dito sabay sandal sa backrest.

"I brought you something to eat, di ka pa daw nag-aalmusal sabi ni Drak." Nilapag nito sa tea table ang mga dala at inayos. Saka lumakad papunta sa table niya.

"Let's go, let's eat together." He grabs her hands and gently pulls her to stand up.

"I'm working and I'm not yet hungry..." Tinaasan ni Vladimyr ng kilay ang lalaki pero hinayaan niya itong akayin siya papunta sa sofa.

He smiled at her sweetly and said, "At Least try, it's good!"

Umupo si Vladimyr sa single sofa na purple at pinagmasdan si 'Luvien' sa ginagawa. Binuksan nito ang plastik container na may isang serving ng strawberry cheesecake. Dinampot ang fork saka humiwa ng maliit na piraso at ini-umang sa bibig niya.

"Try it, it's a special strawberry cheesecake for my special baby." He wiggles his brows with a big smile on his lips.

Natawa si Vladimyr sa ginawa nito. She finds him cute and funny.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.